ang oa ng crickets dito sa kakapiranggot na natira sa garden namin. kung makasabay yung ingay nila sa construction sa kabila eh wagas. kung maka-crikk akala mo nasa loob sila ng tenga mo. nasaan na ba yung mga palaka para makain na sila?!
at yehezzz mag-a-alas nuwebe na ng gabi pero tuloy ang construction sa kabila. alam ko namang matatapos din yan maya-maya pero kahit na. mga ilang linggo na silang nag-iingay hanggang madaling araw may kasama pang truck/crane. pati yung usok pumapasok sa bintana namin kumusta naman ang hangin na dito diba. tiis-tiis na lang dahil matatapos din ang construction. pero ang hirap. ang ingay. at kasabay ng ingay doon at ng crickets ay ang ingay ng utak ko.
isa pa yun na gusto kong patahimikin. siguro after next week tatahimik na ito. sana. pero ngayon saksakan din ng ingay.
may isang kaganapan last week na hay naku naman kung makadulot ng kaba eh grabe naman. sa sobrang grabe tatlong oras lang ang tulog ko. yung nakatulog ako after 2 hours of trying to sleep tapos nagising ako after one hour, tapos nakatulog uli almost 2 hours after kung kailan malapit nang lumiwanag ang kalangitan. siempre kung anu-anong scenario na ang dumaan sa utak ko kaya lalong hindi ako nakatulog. yung sumunod na gabi inagahan ko talaga tulog ko at buti na lang eh dire-diretso ang tulog ko na.
dapat siguro mas gabi pa ako magsulat para tahimik talaga. para nga lang mangyari yun eh dapat totally tapos na ang construction.
actually gusto ko lang magreklamo rito na saksakan ang ingay dito sa amin ngayong gabi.
humina na ang pag-iingay ng crickets.
pero tuloy ang pukpukan at ang ugong ng pangmalakasang steel cutter machine sa kabila.
yung utak ko? wag na nating pag-usapan pa.
grabe mag-a-alas diyes na ng gabi ano na ba yang pukpukan! may hinahabol?
yun lang. good nite!!