dear tita chuchu,
parang
napakasarap ng buhay senyorita, hindi po ba? yung tipong wala kang
trabaho, paistambay-istambay lamang sa bahay... nanonood ng tv,
nagi-internet, tapos manonood uli ng tv, at pag nagsawa eh mag-iinternet
uli. ang maganda pa rito, may mga tao na gumagawa ng lahat ng mga
gawaing-bahay para sa iyo, mula sa paglalaba at pagpaplantsa, at hindi
mo na kailangang magpakahirap magluto; may nakatoka na doon at ang
gagawin mo na lang ay bumaba para kumain. iuutos mo na lamang iyon sa
mga kasama mo sa bahay. pero alam niyo kung ano ang pinakamagandang
bagay sa pagiging senyorita? may hanapbuhay yang mga kasamahan mo sa
bahay. kumikita sila upang makakain ka, mabayaran ang cable para
mapatuloy mong panoorin ang mga paborito mong palabas, mabayaran ang
kuryente at tubig para makapag-internet ka at makaligo, at mabayaran ang labandera niyo. at kung may sasakyan, tiyak sila ang magbabayad ng gasolina at pag-maintain nun.
naiinggit
ako sa mga taong tulad nila. buti pa sila, hindi na kailangang
magtrabaho pero ang sarap-sarap ng kanilang buhay. paano kaya ako
magiging ganon?
lubos na gumagalang,
patria
-----------------------------
patria,
una
sa lahat, maraming salamat sa iyong liham. pangalawa, masarap nga ang
buhay na inilarawan mo sa akin. pero huwag kang maiinggit sa mga nagbubuhay senyorita dahil mga walang silbi sa lipunan ang mga ganun. tanging pabigat sila sa kanilang pamilya't kaibigan. mga "freeloader" o boarder
sila, ika nga. tanga sila upang piliin na mabuhay nang ganun dahil kung
sa tutuusin may mga taong kulang nga sa pag-iisip ngunit may naibabalik
sa kanilang kapwa, at may mga tunay na senyorita na malaki na ang
naitulong sa nakararami.
sa
tingin ko naman may sentido kumon ka para hindi ituloy ang pinapangarap
mong iyan. ayaw mo namang matawag na boarder at tanga, hindi ba? umaasa
ako na gagawin mo ang tama.
tita chuchu
No comments:
Post a Comment