Thursday, 5 September 2013

kwentong make-up

ang usapan namin ng mga kasamahan ko sa cr kanina.

moi: mukha na ba akong may make-up?
girl 1: wala po, ate.
moi: (lagay-lagay uli ng blush) ayan, meron na?
girl 1: konti pa po.

moi: ano pa kulang?
girl 2: yung kilay mo, ate.
moi: oo nga eh! hirap ako sa eyebrow pencil na 'to ha.
girl 2: kailangan mo ring ahitin.
moi: ehh...

moi (sumuko na sa eyebrow pencil): um, pwedeng pahiram niyan? (to girl 1's eyebrow brush)
girl 1: ah sige, heto.
moi: tenkyu. (brush-brush)
girl 2: ayan ate, nagkakakulay na yung kilay mo.
moi: huwaw talaga?!
girl 2: oo, pero maganda kung ahitin din.
moi: wala akong dalang pang-ahit.
girl 2: may dala ako, pahiram ko sa iyo.
moi: ehh ok na to baka masira ko pa ang sabog kong kilay, pero tenkyu.

girl 1: naku ate, kailangan mo pa ng eyeliner.
moi: itong eyebrow pencil, diba pwede rin naman gawing eyeliner?
girl 1: try mo na lang ang liquid eyeliner. meron ako dito.
moi (silently debating which is better): sige (sabay lunok ng pride), pwede mo ba ako lagyan?
girl 1: o sure! (nang matapos) wag ka muna didilat ha, baka mapunta yan sa mata mo.
moi: sige, tenkyu uli ha. (sabay dukot ng pamaypay mula sa bag at nagpaypay ng mukha)

girl 1: ayan, lipstick na lang.
moi: ah, yun kaya ko nang gawin.


actually, nag make-up na ako bago umalis. apparently very light pa rin pala ang pag-apply ko. memo to me: konti pang praktis!

girl 1 and girl 2, salamat sa tulong niyo. tatanawin ko itong malaking utang na loob. :)

No comments:

Post a Comment

sunday currently vol. 61

Currently... reading: Serena on Webtoon.  writing: this. i'm not holding my breath for when i will finally write a decent paragraph that...