Monday, 19 August 2013

liham

15 april 2009

dear j.a.,

ilang taon na tayong hindi nag-uusap. matagal na rin kitang hindi naiisip. pero sa tuwing naiisip kita, hindi ko alam ang mararamdaman ko. siguro halong tuwa at inis. tuwa dahil sa mga alaala natin at inis dahil hindi ako naniwala sa sinabi mo. pero ewan ko. ewan ko lang. sa mga panahong binabasa ko ang mga ipinadala mong sulat sa akin, kakaiba ang nararamdaman ko. hindi ako sanay sa ganun kaya siguro hindi na lamang ako naniwala lalo na sa pinakahuling sulat. 

ilang taon na ang nakararaan, at sa tuwing naaalala ko ang mga panahong nag-uusap pa tayo, napapaisip ako. ano kaya kung...? 

gusto ko sanang ipadala ang liham na ito kaso hindi mo ito maiintindihan. pero gusto pa rin kitang makita.

lotts.


===========================

19 august 2013

dear j.a.,

kasal ka na. natutuwa ako para sa iyo at sa asawa mo.

God bless.

 lotts.

No comments:

Post a Comment

sunday currently vol. 61

Currently... reading: Serena on Webtoon.  writing: this. i'm not holding my breath for when i will finally write a decent paragraph that...